dzme1530.ph

Inflation at kalusugan, top urgent concerns ng mga Pinoy, ayon sa Pulse Asia

Loading

Nangunguna pa ring urgent national concern ang tumataas na bilihin at bayarin, habang pagiging malusog ang top personal concern ng mas nakararaming Pilipino, batay sa resulta ng pinakabagong Pulse Asia survey.

Sa June 2025 Ulat ng Bayan survey ng Pulse Asia, 62% ng mga Pinoy ang mas inaalala ang inflation, mas marami kumpara sa humihirit ng umento sa sweldo at mabawasan ang kahirapan.

Ang resulta ng survey ay konektado sa naunang report ng polling firm, kung saan nanguna ang inflation sa listahan ng national concerns na nais ng mga Pilipino na isama ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) sa July 28.

Samantala, nanatili rin bilang leading urgent personal concern ang pagkakaroon ng malusog na pangangatawan para sa mas nakararaming adult Filipinos, na nasa 64 percent.

Isinagawa ang survey simula June 26 to 30, sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 adult respondents.

About The Author