Pinatataas ni Sen. Erwin Tulfo ang kompensasyong ibinibigay sa mga biktima ng maling pagkakulong.
Sa kanyang panukala, itataas sa ₱10,000 kada buwan mula sa ₱1,000 ang ibinibigay ng Board of Claims ng DOJ.
Ang maximum compensation ay itataas sa ₱50,000 o katumbas ng gastusin sa pagpapagamot o pagkawala ng kita alinman ang mas mataas.
Pinalalawak din ang saklaw sa mga napatunayang inosente, at itataas sa isang taon ang filing period mula sa anim na buwan.
Makikinabang dito ang mga tulad ni Prudencio Calubid Jr., 81, na kamakailan ay pinalaya matapos mapatunayang mali ang pagkakakulong.