dzme1530.ph

Pilipinas, nanawagan sa mga kalapit-bansa sa Southeast Asia na paigtingin ang hakbang laban sa online scam trafficking

Loading

Dapat dagdagan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya ang mga hakbang upang mapigilan ang pagdami ng mga indibidwal na nabibiktima ng iligal na pagta-trabaho sa scam farms.

Pahayag ito ni Hannah Lizette Manalili, executive director ng Inter-Agency Council Against Trafficking, kasabay ng mungkahi na dapat paigtingin ang regional exchange of information upang epektibong matugunan ang problema.

Sa mga nakalipas na taon ay sinamantala ng mga trafficker ang mga Pilipino at iba pang mga dayuhan para sapilitang magtrabaho sa online scam operations na lumawak ang operasyon sa Cambodia, Laos, at Myanmar.

Ayon kay Manalili, ang Pilipinas ang tinukoy bilang source country para sa gambling at crime-related human trafficking sa Southeast Asia.

Gayunman, tiniyak ng opisyal na ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng paraan upang maresolba ang problema.

About The Author