Magpapatupad ang Commission on Elections (COMELEC) ng early voting hours para sa mga kabilang sa vulnerable sector gaya ng persons with disability (PWD), buntis, at senior citizens bilang bahagi ng paghahanda para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Batay sa Resolution No. 11154 ng COMELEC, papayagan ang mga nabanggit na makaboto mula alas-5:00 hanggang alas-7:00 ng umaga, isang oras bago ang regular voting hours.
Matatandaang ipinatupad din ang kahalintulad na early voting policy noong 2025 midterm elections.
Samantala, itinakda rin ang 10-araw na nationwide voter registration para sa BSKE mula August 1 hanggang 10, habang ang araw ng halalan ay nakatakda sa December 1.