dzme1530.ph

Pangako ng mga gaming operator para sa mahigpit na implementasyon ng mga regulasyon, ‘di sapat para labanan ang negatibong epekto ng online gambling

Loading

Hindi dapat makuntento ang gobyerno at publiko sa pangako ng mga malalaking casino operators na magpapatupad ng ethical business practices at responsible gaming upang labanan ang negatibong epekto ng online gambling

Ito ang sinabi ni Sen. Sherwin Gatchalian na iginiit ang pangangailangan para sa mas mahigpit na regulasyon laban sa mga online gambling operator.

Kasunod ito ng anunsyo ng mga casino tulad ng Solaire, Newport, at Okada na muli nilang pinagtibay ang kanilang commitment sa ethical business at responsible gaming.

Ipinanukala ni Gatchalian ang batas na naglalayong gawing mandatory ang pagpapatupad ng responsible gaming program sa lahat ng online gambling operators.

Sa ilalim ng kanyang panukalang batas, mananagot ang sinumang operator na bigong magpatupad ng naturang programa.

Binigyang-diin din ng senador na lumalala ang epekto ng online gambling sa mga pamilyang Pilipino, kabilang ang pagkabaon sa utang, pagkasira ng kabuhayan, at paglala ng mental health issues.

Panawagan ni Gatchalian sa mga ahensya ng gobyerno, lalo na ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), na tiyaking mahigpit na nasusunod ang mga regulasyong nagtataguyod ng responsableng pagsusugal.

 

About The Author