Inilunsad na ng China ang kanilang Long March 7 rocket mula sa Wenchang Space Launch Site sa Hainan, kaninang 5:34 a.m., oras sa Pilipinas.
Kinumpirma ito ng Philippine Space Agency, kung saan inaasahang babagsak ang ilang debris sa mga karagatang sakop ng Pilipinas, kabilang ang:
-33 nautical miles mula sa Bajo de Masinloc
-88 nautical miles mula sa Cabra Island, Occidental Mindoro
-51 nautical miles mula sa Recto Bank
-118 nautical miles mula sa Busuanga, Palawan
Paalala ng PhilSA, huwag lalapitan o hahawakan ang anumang kahina-hinalang bagay na maaaring nagmula sa rocket ng China at agad itong ipagbigay-alam sa mga awtoridad.