dzme1530.ph

Pilipinas, nominado sa tatlong kategorya sa 24th Wanderlust Reader Travel Awards

Loading

Nominado ang Pilipinas sa tatlong pangunahing kategorya sa 24th Wanderlust Reader Travel Awards, isang prestihiyosong patimpalak na kinikilala ang mga pinakamahusay na destinasyon sa buong mundo.

Kabilang ang Pilipinas sa listahan ng “Most Desirable Country in the World”, habang ang Cebu at Palawan naman ay pasok sa hanay ng “Most Desirable Region Worldwide.”

Bukod dito, nominado rin ang Palawan para sa titulong ‘Most Desirable Island Worldwide’.

May pagkakataon ding masungkit ng bansa ang iba pang mga parangal sa subcategories tulad ng Culture and Heritage, Nature and Wildlife, Adventure, Gastronomy, at Sustainability.

Ayon sa organizers, ibabatay ang mga parangal sa public votes sa official Facebook at Instagram pages ng Wanderlust.

Magsisimula ang botohan sa Oktubre 7, habang nakatakda ang awards night sa National Gallery sa London sa Nobyembre 6.