dzme1530.ph

Epifanio delos Santos, idineklara nang local hero ng Malabon; Abril 7, special non-working holiday sa lungsod

Loading

Nilagdaan na ni Malabon City Mayor Jeannie Sandoval ang ordinansang nagdedeklara kay Epifanio delos Santos, bilang local hero ng lungsod.

Nakasaad sa ordinansa na kinikilala si delos Santos, na isinilang noong 1871 sa Malabon at pumanaw noong 1928, bilang isang Filipino historian, manunulat, abogado, civil servant, at iskolar.

Mababatid na nagsilbi si delos Santos bilang editor at contributor sa iba’t ibang revolutionary at reformist publications noong panahon ng pananakop ng mga Kastila at Amerikano.

Bukod pa riyan, naging gobernador din ito ng Nueva Ecija, miyembro ng Philippine Assembly, at direktor ng Philippine Library and Museum na kilala ngayon bilang National Library of the Philippines.

Dahil sa kaniyang naiambag sa kasaysayan at kultura ng bansa, itinalaga rin ng lokal na pamahalaan ang Abril 7, kaarawan ni delos Santos, bilang special non-working holiday sa Malabon City.