dzme1530.ph

Coast Guard, may sinusunod na research pattern sa pagsisid sa Taal Lake para mahanap ang labi ng mga nawawalang sabungero

Loading

Umabot na sa limang sako ang narekober ng Philippine Coast Guard sa Taal Lake, kabilang ang dalawang nauna na naglalaman ng tila mga buto.

Panibagong sako ang narekober na naglalaman ng mga sinunog na buto, habang ang dalawang iba pa ay mga bato ang laman.

Ayon kay PCG spokesperson Noemi Cayabyab, halos magkakalapit ang mga sakong nakuha sa lawa, na halos dalawampung metro lamang ang layo sa isa’t isa.

Idinagdag ni Cayabyab na masinsin ang kanilang diving operation at may sinusunod silang magandang search pattern upang matiyak na wala silang malalagpasan.

Inilunsad noong nakaraang linggo ang paghahanap sa mga labi ng nawawalang sabungero, batay sa impormasyon na isiniwalat ng whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan, alyas Totoy.

About The Author