Hiniling ni Sen. Kiko Pangilinan ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa implementasyon ng Republic Act No. 11321 o Sagip Saka Act.
Layon ng batas na bigyang kapangyarihan ang mga national at local government units na direktang makabili ng mga produkto mula sa mga magsasaka at mangingisda, nang hindi na dumadaan sa public bidding.
Sa kanyang inihaing resolusyon, binigyang-diin ni Pangilinan na kailangang matukoy kung bakit hindi pa ganap na naipatutupad ang batas na idinisenyo para tulungan ang sektor ng agrikultura.
Nais rin ng senador na tukuyin ang mga hadlang o kakulangan sa batas na maaaring agad amyendahan, gayundin kung kinakailangan ng karagdagang suporta tulad ng tax exemptions, access sa credit, at modernong imprastraktura para sa agrikultura.