dzme1530.ph

Korte Suprema, ibinasura ang petisyon ni Dumlao; manhunt, patuloy

Loading

Ibinasura ng Second Division ng Kataas-taasang Hukuman ang mga legal na hakbang ni dating police official Rafael Dumlao III, ang pangunahing suspek sa pagdukot at pagpatay sa negosyanteng Koreano na si Jee Ick-Joo noong 2016.

Tinanggihan ng Korte ang kanyang petisyon para sa injunction at temporary restraining order (G.R. No. 275729) at ang petition for review on certiorari (G.R. No. 277013).

Dahil dito, nagpapatuloy ang manhunt ng PNP-CIDG, AFP, at PAOCC laban kay Dumlao, na may nakalaang ₱1-M gantimpala para sa makapagbibigay ng impormasyon sa kanyang kinaroroonan.

Ayon sa PAOCC, bahagi ng kanilang operasyon ang pagtutulungan ng mga ahensiya ng gobyerno at pakikipag-ugnayan sa Korean Embassy, bilang bahagi ng pangako ng pamahalaan sa hustisya at pagpapatupad ng batas.

About The Author