Kinikilala ng Senado ang resolusyon ng Korte Suprema kung saan pinagsama ang dalawang kasong may kinalaman sa impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Atty. Regie Tongol, tagapagsalita ng Senate Impeachment Court, ang hakbang ng Korte Suprema ay kahalintulad ng ginawang utos ng Senado noong June 10, na humihiling din ng karagdagang impormasyon kaugnay sa paggamit ng kapangyarihan ng Kamara sa impeachment process.
Kinumpirma ni Tongol na inihahanda na ng Senado ang kanilang tugon, bagama’t malaking bahagi ng hinihinging detalye ay saklaw ng internal na proseso ng Mababang Kapulungan.
Nanindigan ang Senado sa prinsipyo ng sub judice at sa pagsunod sa legal na proseso, kaya’t hindi muna ito maglalabas ng dagdag na pahayag sa ngayon.