dzme1530.ph

Unmodified opinion ng COA sa OVP, hindi garantiya na walang iregularidad —PCO

Loading

“Iba ang tama ang pag-report, at iba ang tama ang paggamit…”

Ganito ipinaliwanag ni Palace Press Officer at PCO Usec. Atty. Claire Castro ang natanggap na unmodified opinion ng Office of the Vice President (OVP) mula sa Commission on Audit (COA) sa loob ng tatlong magkasunod na taon.

Nilinaw ni Castro na ang ganitong audit rating ay nangangahulugang nakasunod ang OVP sa tamang financial reporting framework, ngunit hindi ibig sabihin ay wala ng iregularidad sa paggasta ng pondo.

Giit ni Castro, hindi kasama sa nasabing opinion ang compliance at performance audits, kaya’t hindi ito direktang patunay na walang anomalya o misuse ng pondo sa ahensya.

About The Author