Isusulong ng Philippine Statistics Authority (PSA) ng Lanao del Norte ang massive registration para sa National ID na target makumpleto bago sumapit ang 2026.
Batay sa datos, 70% pa lamang ng populasyon sa lalawigan ang rehistrado.
Dahil dito, nanawagan si Chief Statistical Specialist Osler Mejares sa mga mamamayan na samantalahin ang pagkakataon upang magparehistro at magkaroon ng legal na pagkakakilanlan.
Layunin ng inisyatibang ito na masiguro na lahat ng mamamayan sa lalawigan ay mabibigyan ng National ID.