dzme1530.ph

DOH, pinag-iingat ang publiko sa sakit na filariasis na nakukuha sa kagat ng lamok

Loading

Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa mga sakit ngayong tag-ulan, partikular sa filariasis, isang sakit na nakukuha sa kagat ng lamok.

Ayon sa DOH, ang filariasis ay dulot ng microscopic na bulate na naipapasa sa tao sa pamamagitan ng lamok. Kapag napabayaan, maaari itong magdulot ng malalang komplikasyon gaya ng permanenteng pamamaga ng kalamnan o bahagi ng katawan.

Dahil dito, pinapayuhan ang publiko na panatilihing malinis ang kapaligiran at ugaliin ang regular na paglilinis ng bahay at bakuran upang maiwasan ang pagdami ng lamok.

Inirerekomenda rin ng DOH ang pagsusuot ng mahahabang pantalon, long sleeves, at paggamit ng mosquito repellent.