Pinakikilos ni Sen. Loren Legarda ang mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila at mga ahensya ng gobyerno upang tiyaking maayos ang mga flood mitigation at control projects sa mga lungsod.
Ito ay upang matiyak aniya na epektibo ang mga proyekto, partikular ngayong panahon ng tag-ulan, at naaakma pa rin sa pangangailangan ng bawat lugar.
Ipinaalala rin ng mambabatas na dapat ding regular na magsagawa ng paglilinis sa mga daluyan ng tubig ang mga lokal na pamahalaan.
Iginiit ni Legarda na dapat ay maging maagap ang mga LGU at mga ahensya dahil taun-taon namang nakararanas ng matinding pag-ulan at pagbaha sa Metro Manila.
Nanawagan din ang mambabatas sa mga residente na matutong maghiwa-hiwalay ng basura at huwag hayaang mapunta at bumara ito sa mga estero, at tumulong din sa pangangalaga ng kalikasan sa mga pamayanan.