Isang sako na naglalaman ng mga buto ang narekober ng mga awtoridad sa gitna ng paghahanap sa mga labi ng mga nawawalang sabungero sa Taal Lake sa Batangas.
Natagpuan ang kulay puting sako na naglalaman ng tila sinunog na mga buto ng tao sa gilid ng Taal Lake na sakop ng bayan ng Laurel.
Ayon kay Calabarzon Police Chief, Police Brig. Gen. Jack Wanky, nakita ang mga buto malapit sa lokasyong tinukoy ng whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan, na pinagdalhan umano sa mga sabungero bago itinapon ang mga ito sa lawa.
Inihayag naman ng Department of Justice (DOJ) na Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) o National Bureau of Investigation (NBI) ang magsesertipika kung ang mga narekober na buto ay galing sa tao, sa pamamagitan ng forensic examination.
Magsasagawa rin ng DNA testing upang matukoy kung mayroon magma-match sa mga pamilya ng mga nawawalang sabungero.