dzme1530.ph

Imbestigasyon sa missing sabungero case, dapat palawakin kung mapatunayang may koneksyon sa drug war ng nakaraang administrasyon

Loading

Nais ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na isailalim sa malalim na imbestigasyon ang kaso ng mga nawawalang sabungero, makaraang isiwalat ni DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla na maaaring konektado ito sa drug war ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office Usec. Atty. Claire Castro na posibleng may kaugnayan ang mga sangkot na indibidwal sa war on drugs at missing sabungero case.

Ayon kay Castro, nais ng Pangulo na mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng parehong krimen.

Una nang sinabi ni Remulla na mayroong “intersection” ang drug war at ang e-sabong case, at inilarawan pa niya ito bilang isang “corporate killing,” dahil may apat umanong malalaking grupo na nasa likod ng krimen.

About The Author