Dalawang Filipino seafarers ang posibleng nasawi sa pag-atake ng Houthi rebels sa isang cargo vessel sa Red Sea.
Limang Pilipino mula sa 21 tripulante ang nailigtas matapos lumubog ang barkong MV Eternity C.
Ayon kay Foreign Affairs Usec. Eduardo de Vega, malaki ang posibilidad na Pilipino ang dalawang casualties, dahil isa lamang ang dayuhan sa kabuuang 22 crewmen.
Sinabi naman ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac na natagpuan ng rescue team ang limang Pinoy sa dagat, habang patuloy na hinahanap ang iba pa.
Ang MV Eternity C ay inatake matapos mag-deliver ng grains sa Somalia para sa World Food Program.