dzme1530.ph

Apat na malalaking grupo, sangkot sa missing sabungeros case ayon sa DOJ

Loading

Inihayag ng Department of Justice (DOJ) na may apat na malalaking grupong sangkot sa operasyon ng e-sabong na konektado sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Ayon kay DOJ Sec. Jesus Crispin Remulla, pinangalanan nila ang mga grupong ito bilang Alpha, Beta, Charlie, at Delta, na ibinase sa bracket ng kita nito mula sa e-sabong.

Marami aniya ang nahuhumaling sa e-sabong dahil sa malaking perang nakukuha rito.

Kaugnay nito, hinimok ng kalihim ang sinumang indibidwal na may kaalaman o kinalaman sa krimen na makipagtulungan na sa mga awtoridad upang mapabilis ang imbestigasyon.

Sa ngayon, tinutugis na ng mga otoridad ang may-ari ng palaisdaang tinutukoy na “ground zero” sa kaso.

Samantala, naniniwala rin ang DOJ na posibleng buhay pa umano ang mga missing sabungeros bago sila dinala sa Taal Lake para patayin.

About The Author