dzme1530.ph

Murder at paglabag sa international humanitarian law, posibleng isampa sa mga sangkot sa pagkawala ng mga sabungero —DOJ

Loading

Mga kasong murder, kidnapping, at paglabag sa international humanitarian law, ang posibleng isampa laban sa mga nasa likod ng pagkawala ng mga sabungero noong 2021 hanggang 2022.

Ayon kay Justice Sec. Jesus Crispin Remulla, ang mga nabanggit ay ikinu-konsiderang probable cases na kanilang ihahain, kasama ng iba pang mga kaso, laban sa mga sangkot sa krimen.

Kasunod ito ng pagbubulgar ng isa sa mga akusado na si Julie “Dondon” Patidongan, o alyas “Totoy” na itinapon ang mga bangkay ng tatlumpu’t apat (34) na mga sabungero sa Taal Lake.

Inilarawan ni Remulla ang pagpaslang sa mga nawawalang sabungero bilang “corporate killing.”

Kasabay ito ng pagsisiwalat ng kalihim na mayroong mga grupo sa loob ng industriya na naka-categorize depende sa kita na kanilang tinatanggap.

About The Author