Iginiit ng Chinese Embassy sa Maynila ang kanilang karapatan na patawan ng sanction si dating Sen.Francis Tolentino, sa kabila ng pagpalag ng gobyerno ng Pilipinas.
Binigyang-diin ng embahada na saklaw ng kanilang legal prerogative ang kanilang hakbang.
Una nang ipinatawag ng Asia-Pacific Division ng Department of Foreign Affairs (DFA) si Chinese Ambassador Huang Xillian, upang ipaabot ang mariing protesta ng pamahalaan sa desisyon na i-ban si Tolentino sa mainland China, maging sa Hong Kong at Macau, dahil sa akusasyon ng talamak na pagbanat ng dating senador sa mga isyung may kinalaman sa Tsina.
Sa bahagi naman ng DFA, ipinaalala ng pamahalaan sa Chinese ambassador na ang Pilipinas ay demokratikong bansa na pinahahalagahan ang “freedom of expression.”