Pinawi ng Department of Agriculture (DA) ang mga pangamba sa posibleng epekto ng malalakas na mga pag-ulan, sa pagsisimula ng planting season ng palay.
Ipinaliwanag ni DA Spokesperson Asec. Arnel de Mesa na makatutulong ang ulan para matubigan ang mga palayan, na kinakailangan sa pagtatanim.
Idinagdag ni de Mesa na makatutulong din ang malalakas na pag-ulan para tumaas ang water levels sa mga dam, na kailangan para sa irigasyon.
Sinabi pa ng DA official na ang mahirap, ay kapag nangyari ang mga pagbaha sa harvest season, dahil hindi na kailangan sa panahong ito ang tubig.
Tiniyak naman ni de Mesa na may mga nakakasang interventions, sakaling magtamo ang sektor ng agricultural damage.