Naghahanda ang Philippine Navy sa pag-inspeksyon ng Japanese ships para sa kanilang posibleng paglipat sa bansa, kasunod ng imbitasyon mula sa Ministry of Defense ng Japan.
Ang mga barko na “under consideration” ay Abukuma-class destroyer escorts mula sa Japan Maritime Self-Defense Force.
Sa statement ng Navy, ang naturang destroyer escorts na dinisenyo para sa anti-submarine at anti-ship warfare, ay tumutugon sa kanilang operational needs para maprotektahan ang maritime territory ng bansa.
Isang team ng Filipino naval experts ang ipadadala sa Japan para ma-assess ang kondisyon at capability ng mga barko, upang malaman kung itutuloy ang paglipat sa mga ito, bilang bahagi ng modernization ng Philippine Navy.