dzme1530.ph

Mandatory ROTC sa kolehiyo at Tech Voc institutions, muling isinusulong sa Senado

Loading

MULING isinusulong ni Senador Ronald Bato dela Rosa ang panukalang magmamandato ng pagbabalik ng Reserve Officers Training Corps o ROTC sa lahat ng estudyante sa kolehiyo at technical vocational institutions.

 

Una na ring isinulong ni dela Rosa ang panukala noong 2019 subalit hindi naisabatas kaya’t dismayado ang mambabatas.

 

Alinsunod sa panukala, ang ROTC program ay binubuo ng mandatory basic military training upang ituro ang moral virtues, pagkamakabayan, disiplina, suporta at pagsunod sa Konstitusyon.

 

Nakapaloob din sa program ang pagsasanay ng mga estudyante na tumulong sa oras ng kalamidad.

 

Ang sinuman anyang mag-aaral na hindi makakumpleto ng mandatory Basic ROTC, alinsunod sa batas na ito ay hindi kwalipikado na makapagtapos ng kolehiyo.

 

Papatawan naman ng disciplinary at administrative sanctions ang paaralan na bigong ipatupad Basic ROTC na maaaring ipataw ng Commission on Higher Education (CHED) o Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

 

Una nang sinabi ni dela Rosa na no retreat, no surrender siya sa kanyang mga adbokasiya kaya’t nangakong ipagpapatuloy ang laban para sa mandatory ROTC.

 

Walang aniyang anumang maaaring pumalit sa pagkakaroon ng mahusay na dipensa, pagmamahal sa bansa at pagiging makabayan kaya’t panahon nang ibalik ang ROTC.

About The Author