dzme1530.ph

Excise tax sa produktong petrolyo, dapat suspindihin kapag tumaas ang presyo sa world market

Loading

NAIS ni Senador JV Ejercito na magkaroon ng awtomatikong suspensyon sa ipinapataw na excise tax sa produktong petrolyo kapag tumaas ang presyo sa World Market.

 

Inihain ni Senador JV Ejercito ang panukalang suspensyon sa buwis kapag lumagpas sa 80 dollars per barrel ang rpesyo ng langis sa Pandaigdigang Merkado.

 

Sinabi ni Ejercito na sa ngayon P10 ang excise tax sa bawat litro ng gasolina, P6 sa diesel at P3 sa kerosene.

 

Alinsunod naman sa Tax Reform For Acceleration and Inclusion o TRAIN law, irerekomenda ng Department of Finance ang suspensyon lamang ng pagtataas ng excise tax at hindi kasama ang mismong suspensyon ng pagpapataw ng buwis.

 

Nakasaad din sa TRAIN Law na magbibigay ng fuel subsidy ang gobyerno sa mga PUV drivers at operators at maging sa mga magsasaka at mangingisda kapag umabot ang presyo ng petrolyo sa 80 dollars per barrel.

 

Iginiit ni Ejercito na malaking tulong sa lahat kung maipatutupad ang awtomatikong suspensyon ng excise tax kapag labis ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

About The Author