dzme1530.ph

PBBM, iginiit ang pangangailangan ng cold chain development sa industriya ng pangingisda

Loading

Malaki ang pangangailangan para sa pagpapalakas ng imprastruktura at cold chain system, upang mapabuti ang sektor ng pangingisda sa Pilipinas.

 

Ito ang binigyang diin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa pagbisita nito sa General Santos Fish Port Complex (GSFPC) ngayong Biyernes.

 

Para sa Pangulo, mahalaga ang pagtatayo ng mga cold storage facility at fish port upang mapanatili ang kalidad ng mga isda at iba pang lamang-dagat.

 

Matatandaang ilang grupo ang matagal nang nagpahayag ng kanilang mga alalahanin, kabilang na ang isyu ng labis at ilegal na pangingisda, pagkasira ng likas-yaman, at kakulangan ng tuloy-tuloy na suporta para sa mga lokal na mangingisda.

 

Kaugnay nito, tiniyak ng Pangulo na katuwang ang Department of Agriculture, ipagpapatuloy ng gobyerno ang pag-agapay sa sektor ng pangingisda, upang mapabuti ang kabuhayan ng mga mangingisda.

About The Author