dzme1530.ph

Agriculture department, hiniling sa Customs na suspindihin ang pagre-release ng halos 60 shipments na may smuggled items

Loading

Nanawagan ang Department of Agriculture (DA) sa Bureau of Customs (BOC) na suspindihin ang pagre-release ng 59 container vans na dinala sa Subic Bay Freeport bunsod ng hinalang pag-smuggle ng agricultural items.

Sinabi ni DA Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. na ang mga naharang na shipment ay naglalaman umano ng misdeclared fish at vegetable items, at naka-consign sa limang trading firms na kasalukuyang isinasailalim sa review para sa posibleng blacklisting.

Gayunman, ang pagkumpiska sa misdeclared items ay nasa hurisdiksyon ng BOC na nasa ilalim ng Department of Finance (DOF).

Binigyang diin ni Tiu Laurel na kailangan ng multi-agency approach para maharang ang smuggling attempts sa bansa.

Aniya, sa nagkakaisang hakbang ng DA, Department of Health, at DOF, mapo-protektahan ang mga lokal na magsasaka at magagarantiyahan ang patas na pagnenegosyo.

About The Author