dzme1530.ph

EDSA rehab at odd-even scheme, iniurong sa 2026 —DPWH

Loading

Itutuloy sa 2026 ang rehabilitasyon sa EDSA at pagpapatupad ng odd-even scheme, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sinabi ng ahensya na sa susunod na taon na sisimulan ang EDSA Rehabilitation, dahil tag-ulan na at susundan pa ng Christmas rush sa “Ber” months.

Inihayag ni DPWH Sec. Manuel Bonoan na kung mayroon silang espasyo sa unang bahagi ng 2026 ay maaari nilang umpisahan ang rehabilitasyon sa mga bahagi hindi gaanong nadadaaan, upang hindi masyadong makaapekto sa trapiko.

Isasagawa aniya ang roadwork sa gabi, subalit dapat pa ring ipatupad ang odd-even scheme upang mabawasan ang volume ng mga sasakyan.

Idinagdag ni Bonoan na naghahanap din sila ng mas mabisa at abot-kayang teknolohiya para sa rehabilitasyon ng 23.8 kilometers na highway sa Metro Manila.

About The Author