dzme1530.ph

NCAP, planong ipatupad ng MMDA sa mga kalsadang malapit sa private schools

Loading

Plano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ipatupad ang No Contact Apprehension Policy (NCAP) sa mga kalsada na malapit sa mga pribadong eskwelahan upang maibsan ang bigat ng trapiko.

Sinabi ni MMDA Chairman Don Artes na nagiging chokepoints sa mga lugar, dahil sa dami ng mga sasakyan na naghahatid at nagsusundo ng mga estudyante sa private schools.

Dahil dito, maglalagay ang ahensya ng CCTV cameras sa kahabaan ng EDSA, Ortigas, at Katipunan Avenues, malapit sa Poveda, La Salle Greenhills, Xavier School, Immaculate Conception Academy, Miriam College, at Ateneo De Manila.

Tatanggalin din ng MMDA ang kanilang traffic enforcers mula sa mga lugar para maiwasan ang mga insidente ng bribery o panunuhol.

About The Author