dzme1530.ph

4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program, target palawakin

Loading

Inihain ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson ang isang panukala na naglalayong palawakin ang 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Sa gitna ito ng sangkaterbang provisional program na nagiging kasangkapan ng “political patronage”.

Sa ilalim ng An Act Expanding the Pantawid Pamilyang Pilipino Program, bubuuin ang Pantawid Pag-asa sa ilalim ng 4Ps na sasakop sa iba pang mga social protection program ng pamahalaan.

Kabilang sa sasaklawin ng Pantawid Pagasa ang mga social amelioration programs tulad ng AKAP o Ayuda sa Kapos ang Kita Program, AICS o Assistance to Individuals in Crisis Situation, TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers, at Food STAMP.

Sa pamamagitan ng panukala, sinabi ni Lacson na magiging “rationalized support program” ang Pantawid Pag-Asa kung saan mas mahigpit na hakbang laban sa panloloko, duplication, at pangaabuso ang ipatutupad sa pamamagitan ng standardized social protection database na sinuring mabuti ang beneficiaries.

Mahaharap din sa parusa ang mga pulitikong mananamantala sa programa at titiyakin din ang wastong implementasyon, pagbabantay at pagsusuri sa mga ayuda program.

About The Author