dzme1530.ph

21 OFWs mula sa Israel, darating sa bansa ngayong Huwebes

Loading

Dalawampu’t isang (21) overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Israel ang inaasahang darating sa bansa ngayong Huwebes, bilang bahagi ng ongoing repatriation program kasunod ng tensyon sa Middle East.

Kinumpirma ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Patricia Yvonne Caunan, ang nakatakdang pagdating ng mga OFW sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ngayong araw.

Binigyang diin din ni Caunan ang patuloy na commitment ng pamahalaan na bantayan at tulungan ang mga OFW na naapektuhan ng kaguluhan sa Gitnang Silangan.

Sinabi ng OWWA administrator na bukod sa mga darating ngayong Huwebes mula sa Israel, mayroon ding uuwi na 15 sa Sabado, at dalawampu’t walong (28) iba pa sa mga susunod na araw.

About The Author