dzme1530.ph

20 panukalang batas, inihain ni Leyte Rep. Martin Romualdez

Loading

Sa pagbubukas ng 20th congress, dalawampung (20) panukalang batas ang agad na inihain ni Leyte First District Rep. Martin Romualdez.

Tinawag nitong unang hakbang ang unang araw ng 20th congress para sa hangaring mas mapaunlad ang buhay ng bawat Pilipino.

Nakatuon ang dalawampung panukala sa pagpapabuti ng kabuhayan, edukasyon, kalusugan, at pagkalinga sa bawat Pilipino lalo na sa mga senior citizen.

Sa House Bill (HB) no. 1 isinusulong ang Rice Industry Consumer Empowerment o RICE Act, para palakasin ang NFA.

HB no. 2, pagpapalakas sa Phil Healthcare System sa layuning matamo ang efficient, equitable at improve public health emergency preparedness

Ang HB no. 3, pagbuo ng Phil Center for Disease Prevention and Control o CDC Act; HB no. 4, pag-amyenda sa expanded gov’t to students and teachers in private education o E-GASTPE Act.

Sa HB no. 16, palalawakin ang discount sa pagbili ng goods and services sa mga senior citizen at person with disabilities, kasabay ng pagtiyak na accessible, attainable at convenient ang social services at programa para sa kanila.

Kabilang din sa mahahalagang panukala na inihain ni Romualdez ang National Land Use Act, Budget Modernization Act, Cybersecurity Act, at Immigration Modernization Act.

Sa ilalim ng Artificial Intelligence Dev’t and Regulation Act o HB no. 13, plano nitong magkaroon ng framework ang responsible at ethical dev’t ng AI sa bansa.

Pagsugpo sa Red Tape at maayos na business environment naman ang nilalaman sa HB No. 15, o ang Green Lanes for Strategic Investments Act, habang sa HB no. 20, ang pagtatag ng Unified Shelter Program sa ilalim ng DHSUD, o Enhanced National Shelter Program Act.

Ilan pa sa panukala ni Romualdez ay pag-amyenda sa Law on Secrecy of Bank Deposits, Health Emergency Auxillary Reinforcement Team o HEART Act, Expanded Agricultural Insurance Act, Freelance Workers’ Protection Act, at National Quality Infrastructure Dev’t Act.

Photo courtesy: Martin Romualdez/ Facebook

About The Author