dzme1530.ph

Panukala para sa mas mahigpit na regulasyon sa online gambling, isinusulong sa Senado

Loading

Bagama’t hindi tuluyang ipagbabawal, nais ni Sen. Sherwin Gatchalian na magkaroon ng mas mahigpit na regulasyon sa online gambling sa bansa.

Kabilang sa 10 priority bills na inihain ni Gatchalian ang panukala na naglalayong higpitan ang operasyon at pagpapatupad ng online gambling.

Sinabi ni Gatchalian na nakasaad sa panukala na ipagbawal na ang paggamit ng e-wallet sa pagtataya sa online gambling at itinataas sa ₱10,000.00 ang minimum bet.

Ayon kay Gatchalian, sa kasalukuyan kahit ₱10 o ₱20 maaaring magtaya sa online gambling kayat marami ang nalululong dito.

Maghihigpit din aniya sa requirements bago makapagtaya upang matiyak na walang menor de edad na makakapagsugal.

Maging sa advertisements na ginagamit ang mga celebrity at sa social media ay ipagbabawal din.

Ipinaliwanag ni Gatchalian na hindi nila maisulong ang total ban sa online gambling dahil posibleng mag-underground operations ang mga sindikato at lalong malaki ang mawawalang koleksyon sa gobyerno.

About The Author