dzme1530.ph

Repatriation ng mga Pinoy sa Israel, nagpapatuloy; shelters, nananatiling bukas kahit humupa na ang tensyon

Loading

Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) sa publiko na magpapatuloy ang repatriation efforts para sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa Israel.

Ito ay kahit ibinaba na ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Level 2 mula sa Level 3 ang conflict alert sa naturang bansa.

Sinabi ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac na committed ang ahensya sa pagtulong sa mga OFW na nais nang umuwi sa Pilipinas, maging sa mga piniling manatili sa Israel at naghahanda para bumalik sa kanilang employers.

Aniya, mayroong dalawang shelters na kanilang ino-operate sa Israel, at mayroong nakahanda na dalawa pa, subalit dahil sa ceasefire ay posibleng hindi na madagdagan ang mga stayer.

Inihayag naman ni DMW Undersecretary Felicitas Bay na nananatiling bukas ang apat na government-operated shelters, para sa distressed OFWs, na may standby capacity na hanggang 50 katao.

 

 

About The Author