dzme1530.ph

Pangalawang requirement ng Senate impeachment court, posibleng ‘patibong,’ ayon sa isang mambabatas

Loading

Posibleng “trap” o patibong ang pangalawang requirement ng senate impeachment court para sa House prosecution.

Pahayag ito ni Akbayan party-list Rep. Chel Diokno, na inaasahang makakasama sa prosecution panel.

Noong June 11 ay inobliga ng Korte ang prosekusyon na magsumite ng resolusyon na aprubado ng mababang kapulungan ng 20th Congress na nagra-ratipika sa hakbang ng 19th Congress.

Ito’y para mapagtibay ang intensyon na ituloy at litisin ang verified impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Gayunman, inihayag ni Diokno na kailangang pag-aralang mabuti ang resolusyon dahil maaaring patibong ito, na kapag tumalima ang house prosecution, ay akusahan silang lumabag sa one-year ban.

Idinagdag ni Diokno na kwestyunable para sa kanya ang lahat ng nangyayari sa Senate impeachment court, dahil sa halip na sumunod sa konstitusyon, na kapag naihain na ang verified complaint na may one-third signature ng House members, ay dapat nang simulan ang trial, pag-aralan ang mga ebidensya, at magpasya batay sa mga ebidensya.

About The Author