dzme1530.ph

Dating Sen. Koko Pimentel, dumulog sa SC para pigilan ang proklamasyon ni dating Marikina Mayor Marcy Teodoro bilang kinatawan ng Unang Distrito ng lungsod

Loading

Hiiniling ni dating Senador Koko Pimentel na Supreme Court na maglabas ng temporary restraining order (TRO) para pigilan ang proklamasyon ni dating Marikina Mayor Marcy Teodoro bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Lungsod.

Sa kanyang petisyon na may petsang june 30, hiniling ni Pimentel sa Korte Suprema na pigilan ang pagpapatupad sa June 25 resolution ng Comelec, na bumawi sa suspensyon sa proklamasyon ni Teodoro.

Humirit din ang dating senador na maglabas ang Kataas-taasang Hukuman ng status quo ante order, na magbabalik kay Teodoro sa dati nitong estado at sa kanselasyon ng kanyang Certificate of Candidacy.

Kahapon ay nag-isyu ang Comelec ng certificate of finality para sa resolusyon, na nagsasaad na ang pagbawi sa suspensyon ay immediately executory.

Dahil dito, iprinoklama si Teodoro bilang Marikina 1st District Representative, sa isang seremonya na ginanap sa Public Market Function Hall ng Lungsod.

Si Pimentel na tumakbo laban kay Teodoro ay nakakuha lamang ng 29,031 votes, kumpara sa dating alkalde na may 75,062 votes.

About The Author