dzme1530.ph

₱50 daily wage hike sa mga manggagawa ng NCR, hindi pa rin sapat —Rep. Revilla

Loading

Welcome kay Cavite Rep. Ramon Jolo Revilla III, ang Wage Order no. 26 ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board, para sa ₱50 daily minimum wage increase sa mga manggagawa ng NCR.

Gayunpaman, hindi pa rin aniya ito sapat para tugunan ang tumataas na cost of living na hinaharap ng milyong pamilya ng mga manggagawa.

Punto ni Revilla, sa panahon ngayon na karamihan sa mga bilihin ay nag-tataasan sa pangunguna ng gasolina, dapat sumasabay din ang sahod ng mga manggagawa.

Si Revilla ay principal author sa Kamara ng panukalang ₱150 daily legislated wage bill na kalaunan ay naging ₱200 per day.

Bigo mang mapagtibay sa nagdaang 19th Congress, muli nitong ni-refile ngayong 20th Congress ang kahalintulad na panukala.

Ang ₱200 daily increase ay magbibigay umano ng agaran at tangible relief sa mga obrero.

Dagdag pa ni Revilla, hindi biro ang araw-araw na gastusin ng bawat pamilya, kaya kulang ang ₱50 para tustusan ang gastusin sa bigas, kuryente, pamasahe at iba pang pangunahing pangangailangan.

About The Author