dzme1530.ph

Defense chief, bukas sa plano ng US na magtayo ng ammunition facility sa Subic Bay

Loading

Bukas si Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr. sa posibilidad na magtayo ng US ammunition production at storage facility, sa dating American Base sa Subic Bay sa Zambales.

Bagaman wala pang natatanggap na anumang formal proposal, naniniwala si Teodoro na makikinabang ang bansa sa naturang development, hindi lamang sa resilience, kundi sa pagpapabuti, pagbibigay ng trabaho at iba pang technological transfers.

Una nang napaulat na pinag-aaralan ng US lawmakers ang posibilidad na magtatag ng mga naturang pasilidad sa Subic Bay, dahil sa umano’y “lack of forward-staged ammunition manufacturing” sa Indo-Pacific Region.

Dahil dito, inatasan ng US House Committee on Appropriations ang kanilang Department of Defense, State Department, at International Development Finance Corporation na i-assess ang feasibility study sa pagtatayo ng mga pasilidad sa Subic Bay.

About The Author