Ibinaba ng Pilipinas ang security alert para sa mga Pilipino sa Israel, kasunod ng paghupa ng kaguluhan sa bansa.
Sa statement, kagabi, sinabi ng DFA na dahil sa pagbuti ng sitwasyon sa Israel, mula sa Level 3 (Voluntary Phase) ay ibinaba sa Level 2 (Restriction Phase) ang alert level sa naturang bansa, effective immediately.
Sa kabila nang nagkasundo noong nakaraang linggo ang Israel at Iran para sa ceasefire, nanawagan ang Pilipinas na ipagpatuloy ang dayalogo para matuldukan na ang hidwaan sa pagitan ng dalawang bansa.
Batay sa tala, mayroong 30,000 na karamihan ay Filipino caregivers sa Israel habang 1,100 sa Iran.
Tiniyak ng DFA na mahigpit pa rin nilang babantayan ang sitwasyon sa rehiyon at i-a-update ang alert levels kung kinakailangan. | ulat mula kay Tony Gildo