Pananagutin ng Department of Transportation (DOTr) ang North Luzon Expressway (NLEX) Corporation sa malagim na aksidente na ikinasawi ng isang pasahero matapos bumangga na naman sa Marilao Interchange Bridge ang isang truck.
Nangyari ang aksidente tatlong buwan matapos, masira ng isa pang trailer truck ang Interchange Bridge, na lubhang nakaapekto sa trapiko sa kahabaan ng dalawang northbound lanes ng NLEX.
Sinabi ni Transportation Secretary Vince Dizon na isusulong niya ang pag-waive ng toll fees sa mga apektadong lugar sa NLEX, sakaling makaranas ang mga motorista ng heavy traffic bunsod ng aksidente, kanina.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Marilao Police, bumangga ang truck sa interchange bridge dahilan para mahulog ang isang beam at bumagsak sa sasakyan na nasa likuran ng truck.
Nasawi ang 54 na taong gulang na pasahero ng Asian utility vehicle (AUV) habang sugatan ang iba pang sakay, kabilang ang dalawang taong gulang na bata.