dzme1530.ph

DepEd chief, nanawagan sa pamahalaan na umupa o bumili ng lupa sa Cavite para pagtayuan ng mga silid-aralan

Loading

Humihirit si Education Sec. Sonny Angara sa gobyerno na umupa o bumili ng lupa sa Cavite para pagtayuan ng karagdagang school facilities sa Naic, kung saan lumobo ng 900% ang mga nag-enroll.

Tinaya sa 1,800 mga mag-aaral ang napaulat nagtitiis sa makeshift classrooms sa Naic, ngayong School Year, bunsod ng kakulangan ng classrooms sa lugar.

Paliwanag ni Angara, relocation site ang Naic ng mga galing sa Metro Manila, kaya dumami ang mga estudyante.

Idinagdag ng Kalihim na 500 square meters lamang ang lupang pag-aari ng Department of Education sa Naic.

About The Author