dzme1530.ph

Pagdedesisyon ng impeachment court, walang limitasyon sa Konstitusyon

Loading

Walang limitasyon ang impeachment court sa maaari nitong gawin, desisyunan o hindi gawin at hindi desisyunan.

Ito ang binigyang-diin ni Senate President Francis “Chiz” Escudero bilang tugon sa naging komento ni dating Justice Antonio Carpio na bagama’t hindi unconstitutional ang ginawa nilang pagbabalik ng articles of impeachment sa Kamara, maituturing naman itong irregular.

Sinabi ni Escudero na ginagalang niya ang opinyon ng dating mahistrado subalit hindi aniya siya sumasang-ayon dito.

Binigyang-diin ng senate leader na siya ring tumatayong presiding officer ng Impeachment Court na alinsunod sa konstitusyon, ang Senado ang may sole power na litisin at desisyunan ang lahat ng kaso ng impeachment.

Wala rin aniya sa impeachment rules o maging sa rules of court na nagbabawal sa senator-judge na magsulong ng anumang mosyon kaugnay sa kaso.

About The Author