dzme1530.ph

DOTr, target mapalitan ang ‘Mt. Kamuning’ footbridge sa loob ng anim na buwan

Loading

Umaasa ang Department Of Transportation (DOTr) na masimulan ang konstruksyon ng bagong tawiran sa EDSA sa loob ng anim na buwan, na ipapalit sa tinaguriang “Mt. Kamuning” footbridge.

 

Ipinaliwanag ni Transportation Secretary Vince Dizon na ikinunsidera ng pamahalaan ang proyekto bilang “emergency” matapos tawaging “unacceptable” o hindi katanggap-tanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kontrobersyal na footbridge.

 

Tinukoy na dahilan ng pangulo ang pagiging masyadong matarik ng tawiran, walang bubong, at madulas kapag umuulan.

 

Tiniyak ni Dizon na sisimulan at papaspasan nila ang paggawa ng bagong footbridge ngayong taon, at makumpleto ito sa loob ng anim na buwan, saka gigibain ang Mt. Kamuning.

About The Author