dzme1530.ph

PBBM, binigyang diin sa ASEAN na hindi dapat maging hadlang ang trade regulations

Loading

Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi dapat maging hadlang ang trade regulations upang matiyak ang maayos na daloy ng mga produkto at serbisyo.

Sa ASEAN Leaders Interface kasama ang mga kinatawan ng ASEAN Business Advisory Council, sinabi ng Pangulo na bagaman kinakailangan ng mga regulasyon, dapat din magarantiyahan na hindi magiging hadlang ang mga ito sa pagnenegosyo.

Maaari rin aniyang simulan ng ASEAN ang paghahanap ng strategic trade management na magtitiyak sa matatag na kalakalan sa rehiyon.

Idinagdag ng Pangulo na kahit nananatili ang trade tensions at policy uncertainties, maaaring humanap ang private sector ng assurance sa tahimik na pagresolba ng regional bloc para mapagtibay ang katatagan at mapalalim ang economic cooperation.

About The Author