dzme1530.ph

DOLE, pinayuhan ang employers na konsultahin ang kanilang mga empleyado sa posibleng epekto ng EDSA rehab

Loading

Pinayuhan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer na konsultahin ang kanilang mga empleyado kung paano matutugunan ang posibleng mga epekto ng rehabilitasyon sa EDSA.

Inaasahan na kasi ang matinding trapiko na iindahin ng mga motorista at commuters na gumagamit ng EDSA papasok sa kanilang mga trabaho.

Batay sa pagtaya, inaasahang tatagal ang konstruksyon sa major highway hanggang sa 2027.

Nilinaw naman ni Labor Sec. Bienvenido Laguesma na hindi nila minamanduhan ang mga employer.

Desisyon din aniya ng kumpanya kung magpapatupad ng work-from-home scheme sa kanilang mga empleyado.

About The Author