dzme1530.ph

Phased implementation at night-only construction, inirekomenda sa EDSA rehabilitation

Loading

Inirekomenda ni Senate Majority Leader Francis Tolentino na magpatupad ng phased implementation at night-only construction sa isasagawang rehabilitasyon sa kahabaan ng EDSA.

Ito ay upang mabawasan ang matinding abala sa mga motorista, negosyo at ekonomiya.

Sinabi ni Tolentino na bilang dating chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), suportado niya ang rehabilitasyon ng EDSA sa tamang panahon.

Subalit dapat aniyang hatiin sa limang sections ang trabaho sa EDSA kabilang na sa saklaw ng Pasay, Makati, Ortigas, Cubao at Caloocan.

Sinabi ni Tolentino na ang EDSA ay mahalagang bahagi ng pang-araw-araw na buhay sa bansa.

Dapat aniya itong ayusin, subalit kailangang gawin nang may maingat na pagpaplano at sensitibong pagsasaalang-alang sa trapiko at kabuhayan ng mamamayan.

About The Author