dzme1530.ph

Panawagang i-certify as urgent measure ang POGO ban bill, sinuportahan

Loading

Sinegundahan ni Sen. Sherwin Gatchalian ang panawagan kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na sertipikahang urgent measure ang panukalang tuluyang nagbabawal sa operasyon ng mga POGO sa bansa.

Ito ay upang maihabol ang approval ng panukala bago ang pagtatapos ng 19th Congress hanggang June 13.

Sinabi ni Gatchalian na kung hindi maaprubahan ang panukala ngayong 19th Congress ay tiyak na back to zero ito sa pagpasok ng 20th Congress.

Sa kasalukuyan ang panukala ay nasa plenary debates pa lamang sa Senado habang aprub na ito sa 2nd reading sa Kamara.

Iginiit ng chairman ng Senate Committee on Ways and Means, dapat matiyak na permanente nang mai-ban ang mga POGO at hindi na makabalik pa sa bansa kahit magpalit na ng Pangulo.

Ipinaalala ng senador na nagdulot ng matitinding krimen sa bansa ang mga POGO na kinabibilangan ng kidnapping, human trafficking at torture.

About The Author