Kabuuang 582 violations ang namonitor sa unang sampung oras ng pagpapatupad muli ng No Contact Apprehension Policy (NCAP).
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang mga paglabag ay naitala kahapon, simula 6:00a.m. hanggang 4:00p.m..
Sinabi ng MMDA na karamihan sa violations ay pagbalewala sa traffic signs at iligal na paggamit ng EDSA Busway.
Ang NCAP ay isang polisiya na ginagamitan ng closed-circuit television, digital cameras o iba pang gadgets o teknolohiya upang makuhanan ng video o litrato ang mga sasakyang lumabag sa batas trapiko.
Maaaring bayaran ng violators ang multa sa pamamagitan ng online o sa opisina ng MMDA.