Inamin ni Education Secretary Sonny Angara na nasa 165,000 pa rin ang classroom backlog sa buong bansa – problema na inaasahang makaaapektong muli sa papasok na school year.
Tatlong linggo bago ang pagbubukas ng School Year 2025-2026 sa June 16, inihayag ni Angara na ilang pampublikong paaralan ang posibleng magpatupad muli ng dalawa hanggang tatlong shifts ng klase dahil sa kakapusan ng mga silid-aralan.
Sinabi pa ni Angara na hindi nila kayang maitayo ang classrooms sa pamamagitan ng kasalukuyang budget, at posibleng 30-taon pa ang kailangang hintayin para mapunan ang mga kakulangan.
Idinagdag ng kalihim na halos buong bansa ang mayroong classroom shortage, lalo na sa populated areas, gaya sa Region 4-A at National Capital Region.